Humina na at isa na lamang LPA o Low Pressure Area ang Bagyong Usman matapos mag landfall sa bahagi ng Borongan, Eastern Samar kaninang ala 6:00 ng umaga.
Sa datos ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng LPA kaninang ala 7:00 ng umaga sa paligid mismo ng Ilorente, Eastern Samar.
Kasunod nito, inalis na ng PAGASA ang lahat ng warning signal.
Gayunman, patuloy pa ring pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente ng CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora dahil sa inaasahang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulang mararanasan sa mga nabanggit sa lugar.
Habang makararanas naman ng mahina hanggang katamtaman at minsanang malakas na pag-ulan sa bahagi ng Metro Manila at nalalabi pang Central Luzon at Visayas.