Patuloy na kumikilos ang Bagyong Usman sa pabago – bagong direksyon sa kagaratang sakop ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 285 sa Guiuan, Eastern Samar.
Napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at bugso na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Dahil sa bagyo, asahan na ang katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon Province habang mahina hanggang sa katamtamang pag ulan na may paminsan minsang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila, MIMAROPA, Aurora, Calabarzon at Visayas ngayong gabi.
Inaasahan naman ang pag landfall ng bagyo sa Eastern Samar ngayong gabi o bukas ng umaga.
Nakataas ang tropical cyclone warning signal number one sa Northern Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Group of Islands, Southern Quezon, Marinduque, Romblon, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate kasama ang Ticao at Burias Islands, Southern Occidental Mindoro, Southern Oriental Mindoro, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kasama ang Camotes Island, Aklan, Capiz , Iloilo, Guimaras, Antique, Northern Negros Occidental at Dinagat Islands.