Bahagya pang bumilis ang bagyong Vicky habang papalabas na ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong Vicky sa layong 135 kilometro silangan – Timog Silangan ng Kalayaan, Palawan.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 70 kilometro bawat oras.
Kasalukuyang nasa West Philippine Sea ang bagyong Vicky at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras.
Tinanggal na ng PAGASA ang babala ng bagyo bilang isa sa maraming lugar sa bansa maliban sa Kalayaan group of islands.
Gayunman, sinabi ni PAGASA Weather Forecaster Chris Perez na bagama’t wala silang nakikitang panibagong sama ng panahon, huwag aniyang magpakakampante dahil posibleng magbago pa ang sitwasyon.