Lumakas pa ang Bagyong Vinta matapos tawirin ang Balabac, Palawan at manalasa sa Mindanao.
Huling namataan ang bagyo sa layong tatlundaan limampu’t limang kilometro (355km) timog-kanluran ng Puerto Princesa city, Palawan.
Taglay ng naturang sama ng panahon ang lakas ng hanging aabot sa isandaan sampung kilometro (110km) kada oras at pagbugso na hanggang isandaan pitumpung (170km) kilometro kada oras.
Kumikilos ang Bagyong Vinta pa-kanluran sa bilis na dalawampu’t tatlong kilometro (23km) kada oras.
Nananatili ang tropical cyclone warning signal 2 sa Southern Palawan habang signal 1 sa nalalabing bahagi ng lalawigan.