Humina na ang bagyong Vinta na isa na lamang tropical depression matapos tumawid sa vicinity sa Marawi City sa Lanao del Norte patungong Sominot, Zamboanga del Sur.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Vinta ay pinakahuling namataan sa vicinity ng Sominot.
Taglay ng bagyong Vinta ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 60 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras.
Ang bagyong Vinta ay kumikilos papuntang kanluran sa bilis na dalawampung (20) kilometro kada oras.
Ibinaba na rin sa public storm signal #1 ang mga lugar na nauna nang nasa signal #2.
Kabilang dito ang Southern Negros Occidental, Southern Section ng Negros Oriental, Siquijor, Misamis Oriental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Misamis Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Western part ng North Cotabato at northern part ng Maguindanao.