Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Vinta
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo kaninang alas 9:30 ng umaga, 290 kilometro sa timog ng Pagasa island sa Palawan.
Bago lumabas ng PAR, lumakas pa at naging typhoon ang kategoriya ng bagyong Vinta.
Sa ngayon, wala nang nakataas na warning signal sa bansa.
Tanging sa probinsya na lamang ng Palawan mararamdaman ang mga pag ulang dulot ng nasabing bagyo.
Pero hindi pa rin pinapayuhan ang paglalayag lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa PAGASA, walang inaasahang papasok na bagyo sa PAR sa susunod na tatlong araw.