Unti-unti nang humuhupa ang baha sa Cagayan na isa sa mga pinaka sinalanta ng Bagyong Florita.
Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba, sa ngayon ambon na lamang ang nararanasan sa probinsya.
Inaasahang babalik sa kanilang mga bahay ang mga residenteng inilikas dahil sa bagyo.
Tiniyak naman ni Mamba na sapat pa ang pondo nila para sa pamamahagi ng food packs.
Aniya, mas kailangan nila ngayon ng crop subsidy mula sa Department of Agriculture (DA) dahil sa iniwang pinsala ng bagyo sa kanilang mga pananim.
Kasalukuyang pang nagpapatulioy ang assessment ng probinsya hinggil sa naging pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura.