Unti-unti nang humuhupa ang baha sa maraming bayan ng Pangasinan makaraang humupa na rin ang mga pag-ulan.
Ayon kay Col. Popoy Oro, hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, 7 bayan na lamang ang nakakaranas pa sa ngayon ng pagbaha.
Nagsimula na rin aniyang magbalikan sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuaees maliban sa mga nasa bayan ng Calasiao, Alaminos City at bayan ng Agno.
Sinabi ni Oro na nagmula sa bundok ang tubig na rumagasa sa mababang mga lugar sa Pangasinan na pinalala pa ng high tide.
“Hindi pa po kasi sa bandang western Pangasinan, medyo marami po itong creeks nga pero masisikip ito, at ang isa pang factor dito ay ang high tide na nakakaharang sa upstream na tubig nanggaling sa taas, so pumupunta ito initially doon sa mga mababang lugar, aggravating factor ito doon sa pagtaas ng tubig sa mga barangay na mabababa, lalung-lalo na sa bayan ng Agno, Pangasinan.” Ani Oro.
Baha pa rin sa mga bayan ng Santa Barabara, Calasiao, Alaminos City, Agno, San Fabian at Bolinao.
Wala pa rin pasok in all levels sa Dagupan City at hanggang high school naman sa bayan ng Calasiao.
Sa kasalukuyan, may mga nananatili pa rin sa mga evacuation centers sa ilang mga bayan ng Pangasinan.
“Meron pa pong tao sa kanilang mga evacuation center, sa Calasiao po meron po tayong 46 families, sa Alaminos, meron tayong 75 families, sa Bani, nabawasan na po ito, 12 families na lang po ngayon, pero ‘yung medyo mataas pa dito sa bayan ng Agno, meron pang 228 families.” Dagdag ni Oro.
Babala ng PAGASA
Samantala, patuloy ang babala ng mga pagbaha ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) at pagguho ng lupa sa bahagi ng northern Luzon.
Partikular na tinukoy ng PAGASA nitong araw ng linggo ay ang bahagi ng Ilocos, Cordillera, Zambales, at Bataan.
Habang pamiminsan-minsan na pag-ulan naman ang inaasahan sa bahagi ng Cagayan Valley at Central Luzon.
Ito ay bagi pa rin ng patuloy na apekto ng hanging habagat.
By Len Aguirre | Mariboy Ysibido | Ratsada Balita