Nagsimula nang humupa ang baha sa Barangay Hulong Duhat, Malabon City.
Ito ay matapos ang ilang linggong pagbaha dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilang kabahayan at bakuran.
Dahil sa nangyari, nagsimula nang maglinis sa kani-kanilang bakuran ang mga residente.
Sa ngayon, may ilang kalsada na lang ang may baha pero hindi na ito tataas pa sa gutter.