Walang nakikitang problema ang palasyo oras na gamitin ang bahagi ng pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC )para maidagdag sa pagbibigay tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Rolly.
Ito ang naging tugon ng palasyo hinggil sa panukala ni Senadora Risa Hontiveros na i-redirect ang bahagi ng P16-B panukalang budget nito.
Paliwanag ni Presidential Spokesperon, Secretary Harry Roque, layon ng ELCAC na magsulong ng pagbabago sa mga lugar na nagpapatuloy ang ‘insurgencies’, lalo’t kahirapan ani Roque ang puno’t-dulo ng pagrerebelde.
Pagidiin pa ni Roque, walang inconsistency oras na gamitin ang bahagi ng pondo ng ELCAC sa Bicol dahil maituturing namang may insurgency doon.
Iginiit pa ni Roque, na kabilang sa mandato ng ELCAC kung nais ba nitong gamitin ang kanilang pondo bilang pantulong sa mga naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Rolly.