Magkakasunod na lindol ang yumanig sa ilang bahagi ng CALABARZON at Metro Manila.
Alas-12:30 kaninang hatinggabi nang yanigin ng magnitude 4.2 lalawigan ng Rizal.
Natunton ang sentro ng pagyanig sa layong apat na kilometro, timog-silangan ng bayan ng Pililla at may lalim na 9 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 4 sa Pililla at Antipolo City, Rizal; intensity 3 sa Angono; intensity 2 sa Tanay, Rizal; mga lungsod ng Maynila at Pasig habang intesity 1 sa Quezon City at Lucban, Quezon.
Dakong ala-1:28 ng madaling araw naman nang tumama ang magnitude 4 sa bayan pa rin ng Pililla, Rizal.
Natunton ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang sentro ng pagyanig limang kilometro, timog-kanluran ng naturang bayan habang naitala ang intensity 4 sa Pililla; intensity 3 sa San Mateo at Montalban, Rizal at intensity 1 sa Quezon City.
Pawang tectonic ang origin ng mga nabanggit na pagyanig habang walang inaasahang aftershocks.
By Drew Nacino