Isasara ng United States Department of Agriculture Forest Service ang lahat ng 20 milyong acres o katumbas ng 80,937 square kilometers ng California’s National Forests sa publiko sa loob ng dalawang linggo.
Ayon sa pahayag ng California Regional Forester, ito ay para sa kaligtasan ng publiko at ng mga bumbero dahil sa kasalukuyang wildfire crisis sa lugar.
Noong nakaraang linggo, siyam na National Forest sa Northern California ang isinara dahil sa malalang apoy sa lugar at pagkaubos ng makukuhanan ng mga bumbero ng kagamitan sa buong Amerika.—sa panulat ni Rex Espiritu