Target buksan bago matapos ang buwan ng Hulyo ang bahagi ng Cavitex-C5 flyover extension sa Merville entry/exit ramps na nasa bahagi ng Shell C5 Southlink patungong Rodriguez.
Ayon sa Manila Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) malaking tulong ito para sa mga bumibiyahe sa mga lungsod ng Parañaque, Pasay at Taguig.
Bukod pa dito, bubuksan nadin ang tunnel na konektado naman sa West Service Road
Hinihikayat naman ng CIC ang mga motorista, na magpakabit na ng Radio Frequency Identification (RFID) upang mapabilis ang kanilang biyahe.