Muling nagka-landslide sa bahagi ng Cebu City matapos ang malakas na ulan kahapon.
Dakong hapon nang gumuho ang lupa sa Sitio Sapang Kumonidad, barangay Guadalupe.
Nagsilikas ang mga residente habang naka-kordon na ang naturang lugar.
Wala namang naiulat ang Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office na nasugatan sa landslide.
Ito na ang ika-apat na landslide sa lungsod sa loob ng dalawang linggo.
Una nang inihayag ng PAGASA na ang malakas na pag-ulan ay dulot ng Habagat.