Pansamantalang ipinasara ng Department of Tourism (DOT) ang bahagi ng dalampasigan ng isla ng Boracay kung saan ibinaon umano ng isang dayuhan sa buhangin ang diaper na may lamang dumi ng bata.
Ayon kay Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ang naturang hakbang ay mismong ipinag-utos ni Environment Sec. Roy Cimatu sa Boracay Inter-agency Task Force para linisin ang naturang lugar.
Kasabay nito, hinimok ng DOT ang publiko na isumbong ang anumang uri ng paglapastangan sa kalikasan upang mapanagot sa batas ang mga ito.
Magugunitang nag-viral ang isang video kung saan isang dayuhan ang umano’y hinayaan ang isang bata na dumumi sa dalampasigan ng Boracay.