Niyanig ng magkasunod na lindol ang bahagi ng Davao del Norte, kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang unang pagyanig ay may lakas na magnitude 3.7 at ito ay naitala 24 kilometro sa hilagang kanluran ng Santo Tomas, Davao del Norte at may lalim na 6 na kilometro.
Ang ikalawang pagyanig ay may lakas na magnitude 3.4, at ang epicenter nito ay naitala, 31 kilometro sa hilagang kanluran ng Santo Tomas at may lalim na 13 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng dalawang pagyanig at hindi naman inaasahang magdudulot ang mga ito ng aftershocks.
By Katrina Valle