Hinihinalang nanggaling sa bumagsak na Malaysia Airlines Flight 370 noong March 2014 ang isang bahagi ng Boeing 777 na natagpuan sa Africa.
Ayon sa isang US official, naipadala na sa Malaysia ang horizontal stabilizer skin na bahagi ng eroplano na natagpuan sa Sandbank Mozambique Channel.
Sinabi ng mga imbestigador ng nawawalang eroplano na base sa isinagawang photographic analysis posibleng bahagi ng nawawalang eroplano ang natagpuang horizontal stabilizer skin.
Ipinabatid naman ng isang aviation source na wala pang naitatalang nawawalang Boeing 777 sa nasabing lugar maliban sa MH370.
September noong isang taon nang kumpirmahin ng French investigators na ang aircraft debris na natagpuan sa Reunion Island ay mula sa nawawalang Malaysian Airlines.
By Judith Larino