Gumuho ang bahagi ng isang luxury shopping center sa Mexico City.
Masuwerte namang walang nasaktan o nasugatan sa naturang insidente.
Ayon sa Civil Protection Agency ng Mexico, posibleng ang istruktura ang dahilan ng pagguho bagamat nagsasagawa pa sila ngayon ng mas malalimang imbestigasyon para malaman kung may problema ang disenyo ng gusali.
Nabatid na ang Artz Pedregal Shopping Center ay kabubukas lamang noong buwan ng Marso na sinasabing nakasunod naman sa lahat ng kinakailangang permit.
—-