Iligal umano ang operasyon ng ilang may-ari ng palaisdaan sa Laguna de Bay.
Sa tala ng Laguna lake development authority, 358 lamang sa mga fish pen at fish cage operator doon ang lehitimo.
Sa 2,000 ektaryang palaisdaan, sinabi ni Laguna lake development authority general manager Nerius Acosta na karamihan sa mga ito ay nagmamay-ari ng mga malalaking palaisdaan sa lawa.
Aabot sa 100 Milyong Piso ang pondong ipinangako ng Department of Environment and Natural Resources na ibibigay sa Laguna lake development authority para sa pagbuwag ng mga fishpen at fish cages at pagsasaayos ng lawa ng Laguna.
Binanggit pa ni Acosta na mangangailangan ng 500 Milyong pisong pondo ang LLDA at DENR para gawing eco-tourism ang mayoryang bahagi ng Laguna lake.
Kaugnay dito, iminungkahi ni Laguna Lake Development Authority general manager Nerius Acosta na mas malaki ang posibilidad na magawang eco-tourism ang silangang bahagi ng Laguna lake dahil walang masyadong palasidaan doon kumpara sa kanlurang bahagi.
Positibo, aniya, ang Laguna Lake Development Authority na mas maraming makukuhang isda ang mga maliliit na mangingisda kapag binuwag ang mga malalaking palaisdaan sa lawa.
Kauygnay nito, nakiisa ang ni Laguna Lake Development Authority sa Sibol re-greening program ng PTT Philippines na makapagtanim ng 15,000 mga puno sa Marikina Watershed area, katuwang ang Department of Education.
Nais ng PTT Sibol program na matamnan ng puno ang may isang daang ektarya ng Marikina watershed sa loob ng tatlong taon.
By: Avee Devierte