Isang bahagi ng Lung Center of the Philippines ang ilalaan rin sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay sa anunsyo ng Department of Health (DOH), ang hospital wing na para sa COVID-19 patients ay may kapasidad para sa 40 katao.
Gayunman, ibayong pag-iingat anila ang dapat gawin upang hindi ma-expose sa COVID-19 patients ang mga pasyente ng Lung Center na mayroong multidrug resistant tuberculosis at lung cancer.
Una nang itinalaga ng DOH ang UP-PGH at ang Jose Rodriguez Memorial na dating Tala Leprosarium bilang dedicated hospitals para sa COVID-19 patients.