Asahan na magiging maulap ang kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Palawan, at Ilocos Region bunsod parin ng Southwest monsoon o Hanging habagat.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, malaki pa rin ang tiyansa ng mga pag-ulan sa bahagi ng Luzon partikular na sa hapon hanggang sa gabi.
Makakaranas parin ng isolated rain showers o pulu-pulong mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi ang nalalabing bahagi ng bansa lalo na sa Central Luzon, sa bahagi ng Bicol Region, Southern Luzon, kasama na ang Metro Manila, at Cordillera Administrative Region (CAR) pero asahan ang mainit na temperatura sa umaga hanggang sa tanghali.
Magiging maulap naman ang kalangitan sa Visayas at may malaking tiyansa ng mga pag-ulan dahil pa rin sa hanging habagat at Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Posible ding ulanin ang bahagi ng Eastern Mindanao dala ng ITCZ o ang pagsasalubong ng hangin mula sa magkaibang hemisphere o ang hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Magkakaroon naman ng pulu-pulong pag-ulan sa natitirang bahagi ng Mindanao lalo na sa hapon hanggang sa gabi.
Samantala, patuloy paring paalala ang pagasa ang palagiang pagdala ng payong at iba pang panangga sa biglaang pagbuhos ng ulan at matinding sikat ng araw.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:44 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:05 ng hapon.