Nagmistulang beach resort ang bahagi ng Manila Bay sa dami ng dumagsa at lumangoy sa gitna ng nagpapatuloy na rehabilitasyon at swimming ban.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority-Metro Parkway Cleaning Group Head Francis Martinez, bagaman maitim pa ang tubig at may mga lumulutang pang basura, lumusong pa rin ang mga tao.
Mino-monitor na anya ng MMDA katuwang ang iba pang concerned agencies ang sitwasyon sa Manila Bay dahil sa inaasahang pagdami na naman ng basura.
Samantala, binalaan ng Department of Health ang publiko sa paglangoy sa look at bagaman bahagyang luminis ang tubig ay hindi nangangahulungang ligtas na itong pagliguan.
Kabilang sa mga sakit na maaaring makuha sa pagligo sa maruming tubig ang diarrhea, cholera, typhoid at eye infection.