Sarado sa mga motorista ang bahagi ng Marilaque Highway na sakop ng Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon matapos ang landslide sa nasabing lugar.
Ayon kay Infanta Vice Mayor La Ruanto, nangyari ang landslide sa KM 12 ng highway dahil sa matinding pag-uulan nuon pang mga nakalipas na araw hanggang sa ngayon.
Sa tindi anya ng ulan, gumuho ang bahagi ng bundok sa gilid ng highway at nabarahan ang kalsada.
Patuloy namang magdadala ang shearline ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Quezon Province. - Sa panulat ni Kat Gonzales