Niyanig ng 6.6 magnitude na lindol ang southern Mexico.
Ayon sa US Geological Survey (USGS), natukoy ang sentro ng pagyanig 7 kilometro silangan ng Tres Picos sa Mexico at may lalim na 94 na kilometro.
Dahil dito, napilitan ang mga residente lumikas mula sa mga gusali at paaralan.
Sa lakas ng pagyanig, naramdaman din ang lindol sa bahagi ng Guatemala.
Wala namang napaulat na napinsala o nasaktan sa naturang paglindol.
By Ralph Obina