Ilang fragments ng bomba ang narekober sa katawan ng isa sa mga nasawing biktima ng pagpapasabog sa Roxas Night Market sa Davao City.
Ito, ayon kay Davao Regional Police Office Director, Chief Supt. Manuel Gaerlan, ay base sa medico-legal examination ng isa sa mga bangkay.
Nakita anya ang fuse assembly ng improvised explosive device sa atay ng isa sa mga biktima habang ang bahagi ng casing ay nakabaon sa ulo ng isa pang casualty.
Ang mga nabanggit na fragments ay bahagi ng 60 Millimetre mortar round na ginamit bilang IED.
By: Drew Nacino