Sarado sa publiko partikular sa mga mountaineers ang Akiki Trail na siyang pinakakilalang daan paakyat sa summit o tuktok ng Mt. Pulag.
Batay sa ipinalabas na public safety advisory ng Mt. Pulag Park Management, kanilang inatasan ang lahat ng mga aakyat ng nabanggit na bundok na iwasan ang pagpasok sa bahagi ng Akiki Trail bilang pag-iingat.
Kasunod ito ng pagsiklab ng forest fire sa bahagi ng Abucot sa barangay Eddet, kabayan Benguet na siyang nakakasakop sa nabanggit na trail.
Dagdag ng pamunuan, patuloy rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DENR-CENRO sa Baguio, DENR-Cordillera Administrative Region, BFP, PNP at LGU’s para maapula ang forest fire at mabantayan ang sitwasyon doon.
Tiniyak naman ng Mt. Pulag Park Management na nananatili pa ring bukas ang Ambangeg trail o daan sa katimugang bahagi paakyat ng Mt. Pulag, gayundin ang daan sa hilaga o northern mountain lakes.