Ibinigay umano sa isang Tsino sa Maynila ang mahigit 30 milyong dolyar na bahagi ng perang ninakaw ng mga hacker mula sa Central Bank of Bangladesh sa Federal Bank of New York.
Ito ang ibinunyag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Teofisto Guingona III sa kanilang pagdinig hinggil sa 81 million dollar international money laundering scheme kahapon.
Tinukoy ni Guingona ang dayuhan na si Wei Kang Xu, gambler at junket o pleasure trip operator para sa mga casinos sa Maynila.
Ayon sa senador, ginawang installment ang delivery ng aabot sa 600 million pesos o 12.8 million dollars at 18 million dollars sa isang foreign exchange remittance firm.
Ang pag-transfer aniya ng naturang halaga sa RCBC ay pinagsama sa isang account at ilan sa pera ay ikinonvert na sa piso.
Samantala, naniniwala din si Guingona na walang account sa RCBC at ginamit lamang ang pangalan ng negosyanteng si William So Go.
Ayon kay Guingona, na-establish ng ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kahapon na pumasok ang perang nagkakahalaga ng 81 million dollars sa apat na mga pekeng accounts at na transfer sa account ni Go.
Na-withdraw umano ang pera at na-convert mula dolyar sa piso at dinala ng remittance center na Philrem Services Corporation sa iba’t ibang mga bangko at iba pang mga physical delivery.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay Senator TG Guingona
By Drew Nacino | Mariboy Ysibido | Ratsada Balita