Tumama ang magnitude 7.3 na lindol sa Silangan ng Hilagang isla ng New Zealand bandang 9:27 ng gabi ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa ulat ng PHIVOLCS, may lalim na 10 kilometro ang naturang lindol.
Samantala, wala naman umanong banta ng tsunami sa Pilipinas subalit posibleng makaranas ng tsunami ang mga lugar na may layong 300km mula sa episentro ng lindol sa New Zealand.