Nadagdagan pa ang perhuwisyong pinapasan ng mga motoristang bumabaybay sa NLEX o North Luzon Expressway partikular na sa bahagi ng Balintawak
Ito’y makaraang bumagsak ang nasa 58 toneladang Beam sa ginagawang Skyway Stage 3 project sa Southbound Lane kaninang alas 2 ng madaling araw
Ayon kay Reggie Garcia, Rigging Engineer ng nasabing proyekto, nagkaroon aniya ng problema sa Lifting o pag-aangat ng nasabing Beam nang bumigay ang Log nito kaya nangyari ang insidente
Dahil dito, isinara ang kalasang palabas ng NLEX na patungong A.Bonifacio at Balintawak Cloverleaf hanggang alas 8 ng umaga na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko sa lugar
Nangako naman si Garcia na aayusin nila ang nasabing pagkakamali at babaguhin ang procedure upang maging ligtas sa susunod nilang pag-tataas ng nasabing Beam at makaiwas na sa mas malaking disgrasya