Limang construction workers ang sugatan matapos bumigay ang ginagamit na coping beam sa bahagi ng itinatayong Skyway Project sa Makati City.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Normal Nicolas, Ronald Degamo, Jerwin Deocarisa, JR Balaquidan at Guillermo Santos Jr.
Ayon sa traffic management head ng Skyway na si Ely Dela Cruz, pasado alas 9:15 kahapon ng umaga nang mangyari ang aksidente.
Dalawang sasakyan pa aniya ang nadamay matapos mabagsakan ng mga bakal na nagresulta naman sa napakabigat na daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng Osmeña Highway.
Sa ngayon, normal na muli sa daloy ng trapiko sa naturang kalsada habang patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.
Pagtitiyak naman ng pamunuan ng Skyway, papalitan nila ang mga nasirang bakal sa ginagawang kalsada upang hindi magkaroon ng aberya sa integridad sa ginagawang proyekto.
By: Jaymark Dagala
Bahagi ng Osmeña Highway na naapektuhan sa itinatayong skyway bukas na muli was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882