Nagmistulang sementeryo ang isang bahagi ng parking area sa compound ng PNP Community Relations group sa Camp Crame, Quezon City.
Mula nang madiskubreng doon napatay ng ilang pulis ang Koreanong negosyanteng si Jee Ick Joo, inaraw-araw na ng kanyang mga kababayang Koreano ang paglalagay ng bulaklak at kandila.
Kung dati-rati, isa hanggang dalawang kandila lang at isang bungkos ng bulaklak, nadaragdagan ito sa araw-araw.
Kahapon, may tatlong puting korona na ng bulaklak na nakatayo sa magkabilang gilid ng espasyong sadyang inilaan para pag-alayan ng bulaklak bilang pag-alala kay Jee.
By: Avee Devierte / Allan Francisco