Idineklarang fire out ng Bureau of Fire Protection (BFP) bandang alas-3 ng hapon ang sunog sa isang bahagi ng Pasig General Hospital ngayong araw ng Miyerkules.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, tinamaan ng stockpile ng alcohol ang sunog kaya’t lumaki ito subalit wala naman umanong nasaktan at nailipat na agad ang 14 pasyente sa Pasig City Children’s Hospital.
Samantala, nagpasalamat naman ang Alkalde sa The Medical City at sa Lungsod ng Maynila sa alok nitong tulong para sa paglipat ng mga pasyente kung kakailanganin.
Matatandaang itinaas sa ikatlong alarma ang naturang sunog.
FIRE INCIDENT UPDATE
Kaninang 10:37AM nagsimula ang sunog sa Pasig City General Hospital (PCGH). Lumaki ang sunog dahil…
Posted by Pasig City Public Information Office on Wednesday, 12 May 2021