Tinatayang limang bilyong hindi nagamit na pondo para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ang gagamitin ng gobyerno para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman, kumikilos na ang executive committee para mailipat ang naturang pondo kasama na ang relief assistance ng DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Pinabibilisan na rin aniya ang pagtatayo ng immediate transitional shelter sa mga residenteng apektado ng kaguluhan sa Marawi.
Nakatanggap na aniya sila ng commitment mula sa malalaking kumpanya para sa muling pagbangon ng Marawi.
Sa ngayon ay hinihintay na lang ng lahat na matapos na ang giyera para mailarga na ang rehabilitasyon sa lugar.