Isang bahagi ng Roxas Boulevard sa Pasay City ang isasara sa daloy ng trapiko upang bigyang-daan ang rehabilitasyon ng nasirang lumang drainage sa harap ng Libertad Pumping Station.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, ang rehabilitasyon ng libertad drainage main box culvert ay mangangailangan ng agarang pagsasara ng Roxas Boulevard-Southbound.
Namemeligro anyang gumuho ang isang bahagi ng kalsada dahil sa pagkasira ng drainage bunsod ng bigat ng mga dumaraang truck.
Ang nasabing drainage structure ay itinayo noon pang dekada sitenta kaya’t dapat agad itong isailalim sa rehabilitasyon.
Nagsasagawa na ang DPWH–South Manila District Engineering Office ng repair sa lugar pero kailangang isara ang buong southbound sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.