Gumuho ang isang bahagi ng Sierra Madre sa mga bayan ng San Agustin, Isabela at Maddela, Quirino.
Gayunman, nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources – Region 2 na walang natunton na ilegal na aktibidad sa landslide incident sa Sierra Madre.
Ayon kay regional executive director Gwendolyn Bambalan ng DENR – Region 2, naganap ang landslide sa Sitio Dioriong, barangay Villa Gracia, sa Maddela.
Ang nabanggit na lugar ay natatakpan ng Mossy Forest at limestone rock formation sa loob ng Quirino protected landscape.
Natural lamang anya itong pangyayari dahil sa malakas na pag-ulan noong mga nakalipas na araw.
Wala namang nasaktan sa landslide dahil walang naninirahan sa lugar.