Bubuksan na sa publiko ang bagong SouthLink expressway ng Metro Pacific Tollways Corporations simula mamayang gabi.
Layon ng binuksang segment 3A1 ng naturang kalsada na bawasan ng haba ng byahe mula sa Taguig hanggang Parañaque.
May layong 2.2-kilometer ang naturang daan Na bahagi lamang ng kabuuang 7.7-kilometers ng buong South Link Expressway.
Ito ang mag dudugtong sa C5 road patungong Cavitex o Manila-Cavite Toll Exressway na babaybay sa Taguig, Parañaque, Las Piñas at Cavite.
Target na matapos at mabuksan ang buong kalsada sa 2021.