Handa ang pamilya Marcos na isauli sa gobyerno ang bahagi ng umano’y ill-gotten wealth nila sa halos dalawang dekadang panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ipinabatid ito ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng aniya’y isang emisaryo ng dating first family.
Sinabi ng Pangulo na ipinaabot ng emisaryo ang pahayag ng Marcoses na pino protektahan lamang ng dating Pangulo ang ekonomiya ng bansa noong nagkakagulo na at iniisip na makakabalik pa sa Palasyo kaya naitago ang mga nasabing yaman kasama ang ilang bars ng ginto.
Ayon sa Pangulo tatanggapin niya ang paliwanag totoo man ito o hindi bastat ang mahalaga ay handang isauli ang hinihinalang nakaw na yaman ng Marcoses.
Kukuha aniya siya ng isang neutral negotiator, isang Certified Public Accountant at isang dating Chief Justice upang mag usap usap hinggil dito.
By Judith Larino / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE