Magmula kaninang 7am, namataan ng PAGASA ang bagyo sa baybayin ng Tanauan sa nabanggit na lalawigan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 75 kilometro bawat oras.
Kasalukuyang mabagal ang pagkilos ng bagyong Agaton sa direksyong Pa-hilaga, Hilagang Kanluran sa bilis.
Ayon sa PAGASA, humina ang bagyo matapos ang pagtama nito sa kalupaan ng Calioacan island sa Leyte bago muling bumalik sa karagatan patungong Pasipiko.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals number 1 sa:
Katimugang bahagi ng Masbate partikular na sa mga bayan ng Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer at Cawayan.
Gayundin sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang bahagi ng Cebu partikular na sa mga bayan ng Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan kabilang na ang Camotes Island at ang silangang bahagi ng Bohol partikular na sa Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia at Mabini.
Magig sa Surigao del Norte and Dinagat Islands na nasa bahagi naman ng Mindanao.
Dahil dito, asahan pa rin ang malalakas na pagbuhos ng ulan na may kasamang kalakasang hangin kaya’t bawal pa ring pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)