Asahan na lamang hanggang katapusan ng buwan ang nararamdamang malamig na panahon lalo sa umaga.
Ito, ayon sa PAGASA, ay dahil sa unti-unting paghina ng hanging amihan o northeast monsoon.
Posibleng magsimula na rin ang transition period mula amihan patungong dry season sa susunod na linggo lalo’t bahagya nang umiinit ang temperatura lalo kung tanghali hanggang hapon.
Samantala, wala namang na-mo-monitor na anumang bagyo na maaaring makaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
—-