Aminado ang Malacañang na bigong makuha ng gobyerno ang target na paglago ng ekonomiya ngayong unang quarter ng taon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Hermino Coloma Jr., batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, umabot lamang sa 5.2 percent ang economic growth ng bansa mula Enero hanggang Marso.
Gayunman, inihayag ni Coloma na kumpiyansa pa rin ang mga economic manager na makababawi ang pamahalaan sa tatlong nalalabing quarter ng 2015.
Magugunitang binansagang second fastest growing economy ang Pilipinas sa Asya noong isang taon bagay na ipinagmamalaki ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mga talumpati.
Next 3 Quarters
Tiwala naman ang Malacañang na makakabawi sa susunod na tatlong quarter ang ekonomiya ng bansa.
Kasunod na rin ito nang naitalang 5.2% lamang na paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng taon.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na bagamat humina ang ekonomiya ng bansa, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang economic managers na makakabawi sa nalalabing 3 pang quarters.
Kaugnay nito, inatasan ng Malacañang ang DPWH, DOTC, DepEd at DA na bilisan ang pagpapatupad ng vital public infrastructure projects.
By Jaymark Dagala | Judith Larino | Aileen Taliping