Bahagyang gagalaw ang halaga ng mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Setyembre.
Ayon sa mga source ng DWIZ mula sa industriya, lalarga ang kakarampot na tapyas-presyo simula sa Martes.
Sinasabing diyes hanggang dalawampung sentimos ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel at kerosene habang sampu habang bente sentimos din sa bawat litro ng gasolina.
Namumuro ring mag-rollback ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG na maglalaro sa limampung sentimo hanggang limang piso at limampung sentimo kada tangke.
Isa umano sa mga posibleng dahilan nito ay ang paggalaw sa presyo ng langis sa pandaidigang pamilihan.