Hindi pa dapat mag-panic ang publiko sa bahagya muling pagtaas ng kaso ng covid-19 sa bansa, sa nakalipas na linggo.
Ito, ayon kay DOH officer-in-charge undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay hangga’t nananatiling “manageable” ang hospital utilization.
Tumaas anya ng 6% ang covid-19 cases sa buong bansa o may average na 1,181 new cases per day.
Sa National Capital Region, tumaas naman ng 15% ang covid cases na may average na 460 cases per day.
Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na nasa low risk classification ang hospital admissions sa lahat ng rehiyon.