Naniniwala ang OCTA Research Group na ang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa 14 na lugar sa bansa na nasa ilalim ng alert level 1 ay pansamantala lamang.
Ayon kay Dr. Guido David, ang naturang upticks o bahagyang pagtaas ng mga kaso ay hindi pa naman indikasiyon ng panibagong COVID-19 surge sa Pilipinas.
Bagamat nagkaroon aniya ng bahagyang pagtaas ng kaso sa ilang lugar ay nananatiling nasa very low risk classification ang bansa.
Nabatid na sa National Capital Region (NCR) ay nasa 0.6 o less than 1 ang average daily attack rate (ADAR).
Samantala, binigyang diin din ni David na posible paring magkaroon ng COVID-19 surge kung tuluyang magpapabaya ang publiko at hindi na susundin ang health and safety protocols at hindi pa rin magpapabakuna at magpapaturok ng booster shot.