Naobserbahan ng Department of Health ang bahagyang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Agosto o nang magsimula ang face-to-face classes ng mga estudyante.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na tumaas ang mobility patterns sa Metro Manila at iba pang rehiyon sa ikatlong linggo ng naturang buwan.
Paliwanag ng opisyal, ang pagtaas ng mga kaso ay bunsod ng kumpiyansa ng publiko sa proteksyon na ibinibigay ng bakuna at pagbubukas ng iba pang sektor gaya ng edukasyon.
Binigyang diin naman ni Vergeire na ang mahalaga ay nananatiling mababa ang severe at critical cases at hindi rin tataas ang hospital admissions.
Sinabi pa nito na ang opsyonal na paggamit ng face mask ay walang direktang kaugnayan sa pagtaas ng trend ng mga kaso ng COVID-19.