Pinaghahandaan na ng Bahamas ang pagdating ng hurricane Joaquin sa Sabado.
Kasunod na rin ito nang babala ng National Hurricane Center hinggil sa pagtama sa Bahamas ng hurricane Joaquin na nasa Category 3.
Nararamdaman na ang mga pag-ulan sa Bahamas bagamat mahina pa lamang ang hurricane Joaquin.
Posibleng magbago ang galaw ng hurricane Joaquin na inaasahang magpapabaha sa silangang bahagi ng Amerika.
By Judith Larino