Sinalakay ng Biñan PNP ang isang mistulang bahay-aliwan kung saan 10 babaeng Intsik ang sapilitang ibinubugaw sa mga customer na Chinese nationals.
Ayon kay Lt. Col. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan PNP, nakuha nila ang impormasyon hinggil sa bahay-aliwan mula sa isa ring Chinese na dating nagta-trabaho doon.
Batay anya sa salaysay ng mga biktima, ni-recruit sila at pinangakuhan ng trabaho dito sa Pilipinas.
Sinabi ni Mendoza na batay rin sa salaysay ng may-ari ng bahay, isang Pilipino ang umupa sa bahay subalit bihira na nila itong makita.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa immigration ang Biñan PNP upang alamin kung may kaukulang dokumento ang mga babaeng Intsik.