Ni – raid ng mga otoridad ang bahay ni Mayor Ferdinand Emilio Aguinaldo ng Pasuquin, Ilocos Norte ngayong umaga.
Sa inisyal na ulat, inihain ang search warrant sa tahanan ng alkalde at mga kapatid nitong sina Vice Mayor Pedro Rex Aguinaldo at Dating Mayor Felix Aguinaldo.
Nakuha sa raid ang mga baril at sari – saring mga bala ngunit hindi pa maisapinal ang bilang dahil kasalukuyan pang iniimbentaryo ang mga ito.
Bukod sa magkakapatid ay kasama rin sa search warrant ang apat pang mga indibidwal.