Ni-raid ng French Police ang bahay ng mga hinihinalang Islamist militants tatlong araw matapos pugutan ng ulo ang isang gurong nagpakita sa kaniyang mga estudyante ng Cartons ni Propetang Mohammed.
Sa gitna na rin ito nang pakikisa sa mga rally sa buong bansa ng libu-libo katao para parangalan ang gurong si Samuel Paty at pag depensa na rin sa freedom of expression.
Ayon kay Gerald Darmanin, isang French politician at nagsisilbing minister of the interior ng French government.
Ang pag atake sa mga Islamist networks ay nagpapahatid ng mensaheng hindi papayag ang mga kaaway ng estado na makapagpahinga kahit saglit lamang.
Sinabi pa ni Darmanin na mahigit 80 imbestigasyon na ang isinagawa para sa online hate speech matapos ang pag atake na itinutulad sa 2015 massacre ng Charlie Hebdo Satirical Magazine kung saan 12 katao ang pinagbabaril dahil sa paglalabs ng mohammed cartoons.
Ang nasabing pag atake na una sa serye ng mga paglusob na kumitil sa mahigit 240 katao sa France ay nagdala sa milyon katao sa mga lansangan sa Paris para igiit ang pagbasura sa extremism.