Sinunog umano ang bahay ng film director na si Jose “Kaka” Balagtas sa Barangay Buliran sa bayan ng San Antonio, Nueva Ecija.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Balagtas na nangyari ang sunog noong Sabado ng madaling araw.
Linggo aniya nang datnan nyang tupok na tupok ang kanyang bahay na pinaghirapang aniya nitong ipatayo mula sa mahigit dalawang dekada nitong karera.
Walang natira kahit ano, ‘yung pinaghirapan ko nang 22 taon nilagay ko doon, ayun, tupok na tupok, walang pakikinabangan,” ani Balagtas.
Kasunod nito ay nanawagan si Balagtas kay Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil dito upang malaman ang nasa likod ng naturang sunog.
Gusto ko pong humingi ng tulong sa presidente ng Pilipinas, kay Pangulong Digong, na maatasan ang ating kapulisan na mag-imbestiga sa bahay ko pong sinunog, na pinaghirapan ko ng matagal na panahon,” ani Balagtas.
Magugunitang sumabak sa pulitika si Balagtas at nagsilbing alkalde sa kanilang lugar mula taong 2010 hanggang 2016. —sa panayam ng Serbisyong Lubos sa 882