Bumisita sa ika-anim na pagkakataon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Marawi City upang tingnan ang sitwasyon at pangunahan ang pagpapasinaya ng Bahay Pag-asa.
Ang Bahay Pag-asa ay isang housing facility para sa mga pamilyang naapektuhan ng bakbakan sa pagitan ng miltiar at ng Maute – ISIS terror group sa naturang lungsod.
Ipinakita ng mga sundalo sa Pangulo kung paano bumuo ng bahay kubo na siyang magiging bagong tahanan ng evacuees sa pamamagitan ng bayanihan at liksi na umabot lamang ng apatnapu’t limang (45) minuto.
Pero paglilinaw ng pamahalaan, transitional shelters pa lamang ang mga itatayong bahay kubo o nipa huts at target nilang makapagpatayo ng may 1,500 units para malipatan agad ng mga bakwit.
Ayon kay Task Force Bangon Marawi Head at Asssitant Secretary Kristoffer James Purisima, inaasahang matatapos ang mga pansamantalang tahanan ng mga bakwit bago sumapit ang buwan ng Disyembre.